35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Ayuda sa mga tindero, jeepney at tricycle drivers sa Pasig ipinangako ni Sotto

- Advertisement -

Nangako si Pasig City Mayor Vico Sotto na magbibigay ng tulong pinansyal sa mga tindero, jeepney at tricycle driver at iba pang residente na apektado ang kabuhayan ng enhanced community quarantine.

Ayon kay Sotto, mahirap ang sitwasyon ngayon ng maraming manggagawa lalo na ang mga hindi makapagtrabaho dahil sa community quarantine.

Ani Sotto, nauunawan naman ng marami na kailangan itong gawin upang maiwasan ang pagkalat ng sakit ngunit problema na aniya ito sa oras na magutom na ang kani-kanilang pamilya dahil sa kawalan ng kita.

Dahil dito, bukod umano sa mga food packs na ipapamahagi ay magkakaloob din ang Pasig City Government ng financial assistance bilang dagdag ayuda sa mga hindi makapagtinda at makapamasadang residente ng lungsod.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -