
TINATAYANG aabot sa US$300 bilyong halaga ng pondo mula sa taxpayers ang posibleng kailanganin sa mass deportation program ni US President-elect Donald Trump sa pagpasok ng Enero, 2025.
Ito ang inihayag ng non-partisan advocacy group na American immigration council kaugnay sa statement ni Trump sa campaign rally sa nakalipas na Oktubre 2024, “I will launch the largest deportation program in American history.” kung saan ang backdrop ng kanyang news conference ay nakasulat ang “Immigrant Crime” at “Deport Illegals Now”
Naniniwala naman ang mga political analyst na unang puntirya ng Trump Administration ay mga undocumented immigrants na may criminal convictions kung saan tinukoy din ang sinasabing revoking citizenship at ending birthright citizenship na apektado ang milyon-milyong katao sa US.
Sa ulat ng Fox 32 News Agency, kailangang matupad ang nasabing programa kaya inihayag na ni Trump ang dalawang beteranong opisyal na maglalatag ng immigration policy sa loob ng apat na taon kung saan kabilang na sina Stephen Miller bilang deputy chief of staff for policy habang si Thomas Homan, ang bagong “border czar” na may critical role sa unang administrasyon ni Trump na sinasabing unapologetic defenders ng mga polisiya kabilang ang “separating thousands of parents from their children at the border to deter illegal crossings.”
Kaugnay nito, sinabi naman ng immigration attorney na si Jose Osorio, na ang hakbang na ito ay magkakaroon ng kalituhan sa bansa.
“Mass deportation will be devastation to the economy, this country, to families. One of the plans is job site raids. If it gets to that point, people will be caught up in the system. How will they know who’s an immigrant and who is not?, ” diin ni Osorio.
Ayon naman kay Bill Hing ng University of San Francisco professor of law and immigration, ” we’re immediately going to see a termination of DACA.”
Kaugnay ito sa 2012 law na Deferred Action of Childhood Arrivals (DACA) 2012 na kumakalinga sa sinumang immigrant na pumasok sa United States as children temporay relief mula sa deportation.
Iginiit ng American Immigration Council na tinatayang aabot sa $300 bilyon ang gugugulin mula sa taxpayers para sa panukalang mass deportation ni Trump.
MHAR BASCO
