2-taong gulang na bata patay sa sunog sa Occidental Mindoro

0
51

Iniimbestigahan pa rin ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nangyaring sunog sa bayan ng Sablayan, lalawigan ng Occidental Mindoro.

Nangyari ang sunog kahapon ng madaling araw na nagsimula umano sa isang upholstery shop sa bahagi ng Barangay Buenavista kung saan, nadamay ang may sampung kabahayan.

Mabilis kumalat ang apoy dahil pawang yari sa light materials ang tinupok na bahay at nandamay pa ito sa mga kalapit na kabahayan.

Isang dalawang taong gulang na bata ang nasawi nang matagpuan ang bangkay nito na sunug na sunog at halos hindi na makilala pa.

—-