Avanceña pinag-iingat si Duterte kontra COVID-19

0
21

Hinikayat ni Honeylet Avanceña, ang long-time partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-ingat ito laban sa COVID-19.

Una nang nagpatupad ng ‘no touch policy’ ang Presidential Security Group (PSG) sa Pangulo upang hindi mahawaan ng naturang sakit.

Ayon kay Avanceña, madali namang painumin ng vitamins ang Pangulo ngunit kailangan pa rin nitong maging maingat at umiwas sa mga malaking pagtitipon.

Mas mabuti pa rin aniya ang pag-iwas sa sakit kaysa gamutin ito.

Sakop ng ipinatutupad na ‘no touch policy’ ng PSG ang pamilya ni Pangulong Duterte.

Una nang siniguro ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na susunod ang Pangulo sa advise ng PSG para na rin sa kanyang kalusugan.