28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Automated tickets nais ipatupad ng PPA

- Advertisement -

Nais ng Philippine Ports Authority (PPA) na gawing automated ang pagbili ng mga tickets sa pantalan sa susunod na taon.

Ayon kay Jay Santiago, General Manager ng PPA, dapat na samantalahin ang pagkakataon na ito para mailunsad ang bagong sistemang magagamit ng publiko upang mas mapabilis na ang kanilang mga biyahe.

Sa gitna kasi ng COVID-19 pandemic ay ipinatutupad ang physical distancing kung saan binawasan ang kapasidad ng mga maaring maisakay ng mga pampublikong sasakyan.

Sinabi ni Santiago, imbes kasi na pumila ang mga pasahero sa mga teller, nais nilang magkaroon na lamang ng makina o machine kung saan ilalagay ng mga pasahero ang kanilang pinanggalingang lugar, destinasyon at i-schedule ng biyahe pati na ang mga importanteng impormasyon gaya ng pangalan at government issued I.D.

Kapag aniya kumpleto na ang mga impormasyo ay maglalabas ang machine ng ticket na may Q.R. code.

Kapag kumpleto na aniya ang mga makina sa lahat ng mga pantalan ay wala nang teller booth, at gagawin na lamang customer service representatives ang mga tellers.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Santiago na plano rin nilang gawing online ang booking ng biyahe sa mga pantalan, kung saan masosolusyunan rin aniya nito ang problema sa mga fixer na pinagmumulan ng katiwalian.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -