Ateneo Blue Eagles wagi kontra UST

0
39

Abot-kamay na ng Ateneo ang inaasam nitong three-peat.

Ito’y makaraang masungkit ng Blue Eagles ang 91-77 win laban sa University of Santo Tomas sa game 1 ng UAAP season 82 men’s basketball finals sa Araneta Coliseum kahapon.

Sa harap ng mahigit sa 19,000 fans, kumamada si Thirdy Ravena ng 32 points, 5 rebounds, at 3 assists para sa Ateneo.

Sa unang bahagi pa lamang ng laro ay tinambakan na ng Blue Eagles ang Growling Tigers.

Sinubukang dumikit ng UST sa ikatlong quarter pero lalong bumangis ang Ateneo at mula noon ay hindi na lumingon pa ang defending champions.

Kung papalarin sa game 2 na gaganapin sa Mall of Asia Arena, masusungkit na ng Blue Eagles ang kanilang ika-11 korona sa UAAP.