ASF umabot na sa Caloocan City, Malabon City

0
16

Umabot na sa Caloocan City at Malabon City ang African Swine Fever (ASF).

Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), bagamat hindi parin tiyak ang pinagmumulan ng naturang sakit sa mga baboy ay maaaring ito ay dahil sa pagpapakain dito ng mga kanin-baboy o swill feeding.

Bagamat walang epekto ang ASF sa tao at wala rin itong masamang epekto sa mga makakain ay maaari pa rin itong kumalat sa pamamagitan ng damit ng tao, sapatos, mga sasakyan, at maging sa kagamitan sa bukirin.

Samantala, na takda naman ang Department of Agriculture (DA) na magpalabas ng ASF zoning plan upang matigil na ang pagkalat pa ng nasabing sakit sa mga baboy.