29.5 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Arroyo dinagdagan ang taunang grocery allowance ng mga empleyado sa Kamara

- Advertisement -

Bibigyan ng dagdag na taunang grocery allowance ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mga empleyado ng Kamara.

Ayon kay Arroyo, tatanggap na ng P35,000 mula sa dating P5,000 grocery allowance ang mga empleyado ng Kamara kada taon.

Mayruon na aniyang authorization ni House Committee on Accounts chair. Yedda Romualdez na maglabas ng nasabing halaga para sa mga empleyado ng mababang kapulungan at ang P5,000 grocery allowance ng mga empleyado ay naibigay nuong nakalipas na buwan.

Sinabi ng House Speaker na kadalasang nagloloan ang mga empleyado ng Kamara sa Agosto at Setyembre na tinawag niyang taghirap months.

(Ulat ni Jill Resontoc)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -