Application deadline para sa mga contact tracers tinanggal na ng DILG

0
24

Inalis ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang naunang itinakdang deadline sa mga aplikanteng nais maging contact tracers.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, layon nitong makumpleto o mapunan ang kinakailangang 50,000 aplikante.

Gayundin aniya ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga eplikante na kumpletuhin ang kanilang mga dokumento o requirements.

Sinabi naman ni Malaya na plano ng kagawaran na i-deploy ang unang batch ng mga makukuhang contact tracers sa iba’t-ibang mga LGU’s sa unang linggo ng Oktubre.

Samantala, patuloy namang hinihimok ni Malaya ang publiko na mag-apply at tumulong sa pamahalaan para masugpo ang COVID-19.