Nasa apat na bansa ang kabilang sa inisiyal na listahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa panibagong kasunduan na ipapalit sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ito ay matapos na ibasura ng pamahalaan ang naturang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos.
Ayon kay Gen. Felimon Santos Jr., Philippine Military Chief, kabilang sa mga ikinu-kunsiderang bansa ngayon ng pamahalaan ang Japan, South Korea, Indonesia at China para sa Status of Forces Agreement (SOFA).
Matatandaang nito lamang Martes nang pormal na ipag-utos ni Pang. Rodrigo Duterte ang pagkalas ng bansa sa VFA kung saan tiniyak din nito na tatanggihan niya ang anumang hakbang ng Amerika para pigilan ang kaniyang naging pasya.
From understanding na yung intelligence exchange nandyan yan, yung exchange of training and ipu-push na lang natin ngayon is yung SOGPA, to authorize them to go here with arms and make exercises with our troops,” ani Santos.