Anti-terror bill pinag-aaralan pa ng legal team ni Duterte

0
13

Pinag-aaralan pa ng legal team ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersyal na anti-terrorism bill.

Ito ang inihayag ng pangulo sa kanyang ulat sa bayan nitong gabi ng Lunes, ika-22 ng Hunyo.

Wala pa aniya itong natatanggap na rekomendasyon mula sa kanyang legal team kung aaprubahan ba nito o hindi ang naturang panukala.

“My legal (team) is still reviewing it. Hindi ko pa natanggap. I had it reviewed. It’s always automatic. ‘Pag naano sa’kin, I endorse it to legal, without even reading it actually. It’s legal who will return it to me with the recommendation if I will approve it or not,” ani Duterte.

Magugunitang kumbinsido ang Palasyo na lalagdaan ng Pangulong Duterte ang anti-terrorism bill na una nang sinertipikahan bilang ‘urgent’ ng pangulo.

Umani naman ang naturang panukala ng kaliwa’t kanang mga pagtutol dahil sa pangambang magamit ito laban sa mga kritiko ng pamahalaan.

Sa ngayon ay lagda na lamang ni Pangulong Duterte ang kinakailangan upang ganap na itong maisabatas.