‘Anti-subversion’ law nais ibalik – DILG

0
49

Nais ng Department of Interior and Local Government (DILG) na muling ibalik ang batas laban sa ‘subversion’ o supersibo.

Kasunod ito ng balitang may mga kabataan ang nawawala matapos na irecruit ng New People’s Army.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, nasa 500 hanggang 1,000 mga kabataan ang sumasailalim sa indoctrination ng mga rebelde kada taon.

Ang muling pagbuhay sa ‘anti-subversion law’ ay posibleng magbigay suporta sa Executive Order No. 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.