Anti-bastos bill batas na

0
70

Itinuturing nang batas ang pagbabawal sa pagsipol, pagkindat at iba pang uri ng cat calling o pambabastos.

Ayon kay Akbayan Party-list Representative Tom Villarin, sa ilalim ng safe streets and public spaces law maaari nang ipaaresto ang mga nambabastos kabilang na ang mga nang aakbay at kumikindat.

Itinuturing na aniyang batas ang panukala dahil hindi ito nalagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng isang buwan simula nang isumite sa kaniyang opisina.

Nilinaw ni Villarin na sakop ng batas ang mga kalsada, terminal, restaurant at bar kaya’t o obligahin ang mga establishment na magpatupad ng patakaran laban sa pambabastos.

Bukod sa mga kababaihan maaari ring mag reklamo ang mga LGBTQ community.

Sakop din ng batas ang online sexual harassment gayundin ang sexual at sexist remarks on line at nakasaad din dito ang pagpapatupad ng sexual harassment policy sa mga eskuwelahan.

—–