Arroyo umilag sa usapin ng House Speakership

0
52

Ayaw pag-usapan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang isyu sa susunod na pinuno ng Kamara.

Umiwas ang dating pangulo na sagutin sa isang ambush interview ang usapin ng magiging House Speaker sa 18th Congress.

Magugunitang lumulutang para maging susunod na Speaker of the House ang mga pangalan nina Taguig Congressman-elect Alan Peter Cayetano, Leyte Congressman-elect Martin Romualdez, Marinduque Represnetative Lord Allan Velasco at Davao del norte Congressman at dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

——