Wednesday, May 1, 2024

Bagong patakaran ng LTFRB inalmahan

- Advertisement -

Inalmahan ng grupong ACTO Nationwide ang bagong patakaran na Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na gawing point to point o P2P ang mga UV express.

Kinuwestiyon ni Efren de Luna, national president ng grupo, kung bakit lagi na lamang isinisisi sa mga pampublikong sasakyan gaya ng jeep at UV express ang mabigat na daloy ng trapiko.

Giit ni de Luna, dapat ay dumadaan sa masusing pag-aaral ang mga hakbang na ginagawa ng mga ahensya ng gobyerno.

Dagdag pa nito, makakatulong din kung magdadagdag ng mga lugar para sa tamang sakayan at mga waiting shed sa lansangan sa halip na isisi sakanila ang problema sa trapiko.

—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img