Antas ng tubig sa lahat ng dam sa Luzon nabawasan

0
38

Nabawasan ang antas ng tubig sa lahat ng mga dam sa Luzon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa hydrology division ng PAGASA, alas 6:00 kaninang umaga ay nasa 167. 81 meters ang water level sa Angat Dam kumpara sa 168. 38 meters kahapon.

Nabawasan din ang water level sa La Mesa Dam na nasa 68. 81 meters gayundin ang iba pang dam sa Luzon tulad ng Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.