Antas ng tubig sa Angat dam nanganganib bumagsak sa ‘low level’

0
49

Nanganganib na bumagsak sa low level ang antas ng tubig sa Angat dam sa huling bahagi ng Abril o unang linggo ng Mayo.

Ang Angat dam ang siyang pinagkukunan ng tubig para sa Metro Manila at tubig pang irigasyon sa mga karatig na lalawigan.

Ayon kay Richard Orendain, Hydrologist ng PAGASA, may posibilidad na bumaba sa low level na 180 meters ang lebel ng tubig sa Angat.

Gayunman, tiniyak ni Orendain na sapat pa rin ito para mabigyan ng tubig ang Metro Manila, bagamat kinakailangan na nilang itigil ang pagbibigay ng tubig sa mga irigasyon.

Matatandaan na noong 2010 sa kasagsagan ng strong El Niño ay bumagsak sa 156 meters ang lebel ng tubig sa Angat.

—-