33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Anim na PDEA agent patay sa ambush sa Lanao del Sur

- Advertisement -

Mariing kinundena ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang nangyaring pananambang sa isang team ng PDEA-ARMM at Tagoloan Municipal Police Station sa Kapai, Lanao del Sur kaninang tanghali.

Sa isang pahayag, sinabi ni PDEA Dir/Gen. Aaron Aquino, hindi katanggap-tanggap ang sinapit na ito ng mga kawani ng pamahalaan na tumutupad lamang sa kanilang sinumpaang tungkulin sa taumbayan.

Tiniyak din ni Aquino ang tulong na ipaaabot nila sa pamilya ng limang nasawing PDEA agents at magkakasa sila ng imbestigasyon para matukoy ang mga nasa likod ng nasabing insidente.

Gagamitin din ng PDEA ang buong resources nito para sa ganap na ikahuhuli ng mga salarin at lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang kampaniya kontra iligal na droga.

Dahil dito, sinabi ni Aquino na lalo pang lumalakas ang kanilang loob na durugin ang mga sindikato ng iligal na droga at hindi kailanman sila magpapatalo sa mga ito.

Umakyat na sa anim na PDEA-ARMM agents at isang non-uniformed personnel ng Tagoloan municipal police station ang napatay ng mga hindi pa natukoy na suspek sa barangay malna nabanggit na bayan.

Kinilala ang mga napatay na PDEA agents na sina Kenneth Tabulo, Kristine Mae Torlao, Lores Joy Amar, Binzo Dipolla at Diobel Paciano na nasawi habang ginagamot sa Amai-Pakpak Medical Center sa Marawi City gayun din si Rachel Gentapanan.

Kami po ay taos-pusong nakikiramay sa pamilya ng mga kasamahan nating nabiktima ng karahasang ito. Lalo lamang pong pagpapatunay ito na ang ating ginagawang pagbabantay kontra droga ay nararamdaman ng mga kriminal na ito. Pahayag ni Aquino

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -