Angkas umalma sa desisyon ng LTFRB na dagdagan ang kumpanya sa motorcycle taxi

0
8

Nagpatutsada ang motorcycle hailing application na Angkas sa naging desisyon ng LTFRB Technical Working Group na dagdagan ang kumpanya na papasok sa motorcycle taxi industry.

Ayon kay Angkas regulatory and public affairs head George Royeca, kahina hinala kung bakit agad na pinayagan ang 2 bagong kumpanya na pumasok sa kumpetisyon.

Aniya, hindi man lamang dumaan sa proseso ang naturang mga kumpanya bago pinayagan mag operate bilang public transport.

Matatandaang pinayagan ng LTFRB ang Joyride at Move it bilang mga bagong kakompetensiya ng Angkas sa motorcycle taxi industry sa susunod na 6 na buwan.