Angkas pinapa-blacklist ng DOTr-TWG

Angkas pinapa-blacklist ng DOTr-TWG

by Powered by DWIZ
49 views

Ipinaba-blacklist ng inter-agency Technical Working Group (TWG) ng Department of Transportation (DOTr) ang operasyon ng motorcycle ride hailing app na Angkas.

Bahagi ito ng isinumiteng report ng TWG sa Kongreso kasabay ng isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Public Services.

Ayon kay TWG Head Antonio Gardiola, maraming nilabag ang Angkas sa ipinalabas nilang guidelines para sa pilot testing ng mga motorcycle taxis.

Sinabi ni Gardiola, unang nilabag ng angkas ang inilagay na limitasyon sa mga lugar kung saan maaari lamang pumasada o mag-operate ang mga motorcycle.

Aniya, tanging sa National Capital Region (NCR) at Cebu lamang inaprubahan ang pilot testing pero nag-operate aniya sa Cagayan De Oro, Gensan at Pampanga ang Angkas.

0 comment

Related Posts