Saturday, May 18, 2024

Angkas CEO pinadedeklarang persona non grata sa Pilipinas ni Pimentel

- Advertisement -

Iminungkahi sa Senado ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel na ideklarang persona non grata sa bansa ang Singaporean businesswoman at Angkas CEO Angela Tham.

Ito ay matapos hikayatin ni Tham ang mga rider ng Angkas na magsagawa ng “indignation rally” na dahilan para maparalisa ang trapiko.

Ayon kay Pimentel, ang ginawa ni Tham ay pagpapakita ng kawalan ng respeto sa batas ng Pilipinas, iresponsable, at pagiging arogante.

Ani Pimentel, kung tutuusin si Tham ay dayuhan sa Pilipinas ngunit tila umaakto na itong isang mayamang namumuno sa bansa na gagawin ang anuman ang kaniyang naisin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -