Angara may apela kay Honasan

0
43

Umapela si Senador Sonny Angara kay bagong DICT Secretary Gringo Honasan na pabilisin ang paglalagay ng libreng wifi internet service sa mga state universities at colleges (SUCs).

Ayon kay Angara, 17 lamang mula sa kabuuang 112 SUCs sa bansa ang mayroong libreng wifi hot spots.

Aniya, malaking tulong sa pag-aaral ng mga estudyante ang libreng internet service.

Ito aniya ang dapat na maging prayoridad ng DICT batay na rin sa Nationwide Free Public Internet Access Program sa ilalim ng Republic Act No. 10929.