32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Ang pagtatag ng Parent Academy Program, Isinusulong sa Konseho ng Lungsod ng Baguio

- Advertisement -

Baguio City – Inapprubahan ng Sangguniang Panlungsod sa unang pagbasa ang panukalang ordinansa sa pagtatag ng Parent Academy program. Ang nasabing ordinansia ay ipinila ni Konsehal Vladimir Cayabas nais niyang tulungan at umalalay sa mga magulang o ng mga tapangalaga ng mga mag aaral naka-enroll sa basic education mula sa pribado at para pampubliko na paaralan.

Ang pagkakatatag ng parent academy program upang tiyakin ang patuloy na capacity building at enhancement programs para sa mga magulang o sa tagapangalaga bilang pangunahing katuwang sa larangan ng edukasyon. Hindi pa naman ito kinakailangan o mandatory na requirement, Ipinaliwanag niya na magiging regular education program ito at malaking panghihikayat sa kanila upang sumali sa naturang programa.

Nais ng parent academy program na gawin ang mga magulang bilang empowered partners sa laranagan ng edukasyon ng kanilang mga anak upang matulungan silang mga magulang na ipagpatuloy ang intellectual growth at pagkatao ng kanilang mga annak; at upang maituro din sa mga magulang na gumawa ng paraan ang kahalagahan ng pag aaral upang matulungan sa pag aaral ang kanilang mga anak.

Ang Baguio City Parent Academy program committee ay binubuo ng  Schools Division Superintendent bilang  Chairperson at  magsisilbing  co-chair ang  presidente ng Federation of Parents-Techers Association at Chairperson of the Committee on Education, at  miyembro din ang mga kinatawan  ng mga public school heads, ganon din ng  private school heads, mga kinatawan ng  School Governance Council at  ganon din mula sa mga  accredited civil society organization na ang adbokasia nila ay may kaugnayan sa edukasyon.

Nakalagay sa ordinansia ang pagpopondo ng lokal na gobierno ng ₱500,000 mula s city’s special education para sa nasabing programa.  Ipinaliwanag din na ang nasabing pondo ay magagamit sa mga tinatawag na collaborative meetings, program vetting and assessment, konsultasyon, pagsasanay ng mga magulang at honorarium ng mga resource persons. (Joel Cervantes, photo courtesy of Coun Cayabas file)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -