28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Ang lungsod ng Baguio at mga ahensiya ng BWD nagkita-kita sa pagtalakay ng panuntunan patungkol sa deep well sa gitna ng kakulangan ng tubig

- Advertisement -

Baguio City – Nagkita kita ang mga nakikinabang sa tubig na galling sa mga deep well kamakailan lamang.

Si Mayor Benjamin B. Magalong ang nakipagkita noong nakaraang linggo upang muling suriin at palakasin pa ang estratehiya para sa konserbasyon ng tubig na galling sa lupa at panuntunan sa deep well sa gitna ng pagtaya ng tagtuyot dahil sa nagaganap na el nino phenomenon.

Ang mga nakikinabang sa nasabing industriya ay inatasan na magsagawa ng paraan upang pigilan ang paglaganap ng deep wells at magkaroon ng mga hakbang na magagawa upang ng sa ganon ay maiwasan ang sobrang labis na pagkuha ng ground water at tiyakin na ang mga ito ay napapangalagaan sa mga darating na panahon.

Isa sa mga problemang idinulog ay ang karaniwang gawain ng ilan sa mga pribadong deep well owners na gumagawa ng hindi mabilang pagbomba ng ground water na nagpapalala ng pagkaubos ng aquifers sa ilalim ng lupa na ngreresulta sa kakulangan ng tubig.

Ito rin ang nagbunsod sa Baguio Water District ng alarma noong mga nakaraang taon laban sa paglaganap ng mga pribadong deep wells na nagbaba ng ground water supply ng lungsod. 

Si Engr. Marivic Empizo, ang Assistant Department Head of CEPMO, ang nag ulat na as of August 2023, may kabuang 1,001 deep wells na walang permit ang nasubaybayan na may dami ng tubig ang nakuha na hindi nakokontrol.

Sa kasalukuyan, may mga operasyon ng  215 deep well na may balidong permiso sa lungsod ng Baguio. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Public Information Office)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -