Ang Christmas Around The World: Ang pambihirang Baguio Christmas sa Botanical Garden, nabukasan na sa publiko

0
11

Baguio City – Pormal nang binuksan sa publiko ang “Christmas Around the World: An Enchanted Baguio Christmas” sa Botanical Garden noong biernes ng gabi November 18, 2022.

Ayon kay CEPMO head na si Attorney Rhenan Diwas, noong pang Oktobre nila sinimulang nagpalamuti ng mga Christmas decorations. Sinabi niya sa halagang sampung piso bilang “entrance fee” para sa mga adult samantalang sa mga may edad na dose at pababa ay libreng pumasok sa Baguio Botonical Garden.

Maliban sa mga dekorasyon, maaaliw ang mga bisita o ang mga turista sa mga tugtugin at palabas na ipapakita sa kanila ng mga buskers na pinahintulutan nila na magperform o magsagawa.

Pinapurihan at pinasalamatan ni City Mayor Benjamin Magalong ang CEPMO kasama ang Filipino Chinese Community na tumolong sa lungsod upang maisagawa ang nasabing gawain.

Kanyang sinabi na ang nasabing parke na kanyang tinawag na Enchanted Baguio Christmas ay bukas sa publiko mula alas sais ng hapon hanggang alas dose ng gabi. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio)

Leave a Reply