31.4 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Ang Baguio Journalist na si Frank Cimatu, nasentensihan dahil sa kaso na cyber libel; pinaalalahanan ang mga taga media na sumunod sa code of ethics

- Advertisement -

Baguio City – Nasentensiyan ang journalistang si Frank Cimatu dahil sa kaso nitong cyber libel na isinampa ni dating Agriculture Secretary Manny Piñol. Sinentensiyaan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 93 si Cimatu ng anim na buwan, isang araw hangang limang taon, limang buwan at sampu at isang araw na pagkabilanggo.

Sinabihan din si Cimatu na magbayad ng P300,000 bilang moral damages. Sa isang panayam kay Baguio Correspondents and Broadcasters Club President Joseph Cabanas, Sinabi nito na maging aral nawa ang nasabing insidente sa lahat ng mga media personnel.

Binigyan diin ni Cabanas na dapat sundin ng mga media personnel ang code of ethics upang maiwasan ang kaparehong insidente. Sinibi niya na mahalaga ang press freedom dahil nalalaman ng publiko ang iba’t ibang mga isyu.

Magkaganon man, kinakailangan pa rin ng by line ng mga media outfits. Kanyang idinagdag na tignan ng publiko ang mga media outfits na mapagkakatiwalaan. (Joel Cervantes, photo courtesy by Mau Victa)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -