Anakbayan tinawag na inutil si Senador Bato Dela Rosa

Anakbayan tinawag na inutil si Senador Bato Dela Rosa

by Powered by DWIZ
99 views

Tinawag na inutil ng grupong Anakbayan si Senador Bato Dela Rosa hinggil sa pahayag nito na bantayan ng mga magulang ang mga pagbabago sa ugali ng kanilang mga anak.

Ayon kay Anakbayan Spokesperson Alex Danday, normal lamang na nagbabago ang isip ng mga kabataan lalo na kung nasasabak ito sa mundo.

Dagdag pa nito, sa pagbabago natututo ang mga kabataan at maaaring isa itong bagay na hindi natutunan ng senador.

Matatandaang noong Sabado ay binigyang payo ni Dela Rosa ang mga magulang sa mga dapat gawin kung napapansing sumasama na sa mga makakaliwang grupo ang kanilang mga anak.

0 comment

Related Posts