Amir Khan muling hinamon si Pacquiao sa isang boxing match

0
29

Muling binuhay ni British boxer Amir Khan ang hamon Kay Senador Manny Pacquiao.

Sinabi ni Khan na hindi siya nawawalan ng pag asang makakaharap pa rin si Pacman sa kabila ng lockdown dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon pa kay Khan matagal na niyang gustong makaharap si Pacquiao na tila aniya deadma sa kaniyang hamon.

Magugunitang wala si Khan sa iilang boksingerong kinukunsider ni Pacquiao na makaharap tulad nina Floyd Mayweather, Errol Spence, Terrence Crawford at Mikey Garcia.