Amerika muling nanindigang gawa sa isang laboratoryo sa China ang COVID-19

0
30

Muling nanindigan ang Estados Unidos na mayroong matibay na ebidensiya na galing o gawa sa isang laboratoryo sa China ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang binigyang diin ni U.S. Secretary of State Mike Pompeo matapos na pabulaanan ng wWorld Health Organization (WHO) ang ulat na gawa sa isang laboratoryo sa China ang nasabing virus.

Ayon kay Pompeo, mayroon silang matibay na ebidensiya na magpapakita na nag-originate o nanggaling sa isang Chinese laboratory ang COVID-19.

Sinabi pa ni Pompeo, kilala rin ang bansang China sa pagpapatakbo ng mga substandard na laboratories at pananabotahe at paninira sa ibang mga bansa.

Una rito, sinabi ni U.S. President Donald Trump na genetically modified ang naturang virus.

Matatandaang batay sa ulat ng WHO, “natural in origin” ang COVID-19 na pinaniniwalaang nagmula sa karne ng hayop.