‘Ambo’ pasok sa kategoryang mapaminsalang bagyo, tinanggal na ang pangalan sa listahan ng mga bagyo — PAGASA

0
13

Tinanggal na sa listahan ng mga bagyo ang pangalang Ambo.

Ayon sa PAGASA, ito ay dahil sa matinding pinsala na idinulot ng pananalasa ng bagyong Ambo sa bansa.

Anila, pasok na sa kategorya ng mapaminsalang bagyo ang Ambo dahil umabot na sa mahigit P1-B ang halaga ng naging pinsala nito.

Taong 1979 nang magsimula ang PAGASA sa pag-aalis ng pangalan ng mga bagyong itinuturing na pinakamapaminsala.

Samantala, inaasahan ang pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng hanggang 25 pang mga bagyo sa mga nalalabing buwan ng taon.