Alyas ‘Bikoy’ hinamong magsampa ng kaso sa korte

0
39

Pinagsasampa ng kaso ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa NBI ang lalaking lumantad at nagpakilalang si Bikoy na nasa video na nagsasangkot sa ilang miyembro ng pamilya Duterte sa illegal drugs operations.

Sinabi ni Guevarra na dapat ay sa NBI magtungo si Peter Joemel Advincula para maghain ng kaso kung may hawak itong mga ebidensya laban sa mga miyembro ng first family.

Magugunitang humarap sa media si Bikoy sa tanggapan ng Integrated Bar of the Philippines sa Pasig City para magpakilalang siya ang nasa likod ng viral videos laban kina Presidential Son Paolo Duterte, Mans Carpio na manugang ni Pangulong Rodrigo Duterte at dating sap Bong Go hinggil sa illegal drugs trade.