Kalmado at tila tanggap na ni Dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang kapalaran niyang hindi na siya pinuno ng kamara.
Ayon ito kay Congressman Reynaldo Umali, isa sa mga kaalyado ni Alvarez na pinalitan ni dating pangulo ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.
Sinabi ni Umali na na-realize ni Alvarez ang katotohanan sadyang may bilang ng mga kongresistang sumusuporta sa dating pangulo para maging pinuno ng kamara.
Hindi nman aniya malinaw kung kinikilala ni Alvarez ang speakership ni Arroyo at maaaring tingnan ang proseso subalit sa tamang panahon.
Sa botong 184, nailuklok si Arroyo at nanumpa bilang speaker of the house matapos ang SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte.