Alokasyon ng tubig sa Metro Manila tinapyasan

0
31

Binawasan na ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig para sa Metro Manila.

Ayon kay NWRB Executive Dir. Sevillo David Jr., wala namang magiging matinding epekto ang pag-tapyas ng alokasyon ng tubig sa kalakhang Maynila.

Sinabi ni David na ang hakbang na ito ay bunsod ng panaka-nakang ulan kung saan patuloy na nababawasan ang lebel ng tubig sa Angat dam.

Batay sa pinakahuling report, nasa 178.1 meters na lamang ang lebel ng tubig sa Angat, mula sa minimum na 180 meters na operating level.

Dahil dito, nagdesisyon ang NWRB na ibaba na lamang sa 46 cubic meters per second ang alokasyon na ibibigay sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) mula sa dating 48 cubic meters per second na alokasyon ng tubig.