Madadagdagan ang alokasyon ng tubig para sa Maynilad at Manila Water ngayong pasko at bagong taon.
Ayon kay National Water Resources Board Executive Director Sevillo David Jr., madadagdagan ng 2 cubic meters per second ang alokasyon sa pasko at bagong taon.
Aniya, layon nito na mabawasan ang water interruption sa Metro Manila ngayong kapaskuhan gayung hindinaman maaapektuhan ng naturang hakbang ang suplay ng tubig sa Angat Dam.
Iginiit ni David na kailangan parin magtipid ng tubig hanggang sa panahon ng tag araw sa susunod na taon bunsod narin ng hindi pagkaabot ng Angat Dam sa normal na lebel ng tubig na 212 metro.
Samantala, epektibo rin ang karagdagang alokasyon maging sa Disyembre 24 at 31.