Naging matumal ang bentahan ng isda sa Kalentong Market sa Mandaluyong dahil sa Bagyong ‘Ursula’.
Ayon sa mga nagtitinda, hindi na kasi makapalaot ang mga mangingisda dahil sa lakas ng ulan at alon na dala ng bagyo.
Ang presyo ng mga isda sa naturang pamilihan ay ang mga sumusunod:
- Lapu-lapu – P280/ kilo,
- Galunggong – P250/ kilo,
- Hasa-hasa – P250/ kilo,
- Bangus – P140 hanggang P190/kilo,
- Maya-maya – P120/kilo, at
- Tilapya – P100/kilo.