Sunday, May 5, 2024

Alegasyong minanipula ang water supply na dahilan ng shortage itinanggi

- Advertisement -

Itinanggi ng Manila Water ang alegasyon na ang kakulangan ng tubig ay bunga umano ng manipulasyon ng water supplies ng kumpanya.

Ito’y sa gitna ng mga reklamo na kinailangang magresulta sa pagrarasyon ng tubig sa ilang lugar gayong normal ang water pressure sa ibang concession area.

Nilinaw ni Manila Water Corporate Communications Manager Dittie Galang na magkakahiwalay ang kanilang reservoir sa iba’t ibang lugar.

Idinisenyo aniya ito para sa reliability at redundancy at sakaling magka-problema ang ibang concession area ay maaari itong i-isolate.

Nakararanas ng mahinang water pressure hanggang sa walang supply ng tubig ang ilang bahagi ng Mandaluyong, Pasig, San Juan at Rizal Province.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img