31.6 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Alegasyong korupsyon sa suspended LTFRB executive itinanggi

- Advertisement -

Tinawag na gawa-gawa lamang at kasinungalingan ng nasuspindeng Executive Director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang alegasyon ng katiwalian laban sa kanya.

Si Atty. Samuel Jardin, Executive Director ng LTFRB ay pinatawan ng 90 araw na preventive suspension sa harap ng akusasyon na humihingi siya ng 4.8 million pesos kapalit ng pag-apruba sa isang franchise application.

Sa sinumpaang salaysay ng isang Michelle Sapangila, ibinunyag nito na isang Madam Lolit ang di umano’y humingi sa kanya ng suhol na paghahatian di umano nina Jardin at LTFRB Chairman Martin Delgra kapalit ng pagpapalabas ng route measured capacity (RMC).

Ayon kay Jardin, wala siyang staff o kakilala na Lolit ang pangalan at malabong humingi siya ng suhol mula kay Sapangila dahil wala naman itong pending na application sa kanyang tanggapan.

Maliban dito, napakaliit aniya ng papel ng kanyang tanggapan sa pag-proseso ng prangkisa.

Sa kaso naman aniya ng MRC, ang Department of Transportation (DOTr) ang nag-a-identify at nag-aapruba ng mga ruta.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -