Albayalde pormal nang magre-retiro ngayong araw

Albayalde pormal nang magre-retiro ngayong araw

by Powered by DWIZ
0 comment 10 views

Pormal nang magreretiro ngayong araw si dating PNP Chief P/Bgen. Oscar Albayalde sa serbisyo bilang miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP spokesman PBGen. Bernard Banac, wala nang magaganap na retirement honors na ibibigay kay Albayalde dahil nag avail na ito ng non duty status.

Kadalasan aniyang ibinibigay ang retirement honors sa isang aalis na PNP Chief kasabay ng change of command o turnover ceremony na hindi na mangyayari sa ngayon.

Maaari pa rin naman aniyang ibigay ito ng PNP sa isang hiwalay na seremoniya subalit hindi na aniya ito inavail ni Albayalde.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).

0 comment

Related Posts