28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Albayalde pinamamadali ang pagsibak sa isang pulis na sangkot sa droga

- Advertisement -

Pinamamadali na ni PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang proseso ng pagsibak kay Patrolman Leo Valdez.

Ito’y makaraang maaresto si Valdez sa ikinasang buy bust operations sa PNR site, Marquez compound, Brgy. Putatan, Muntinlupa City kamakalawa ng gabi dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.

Ayon kay caramat, matagal na nilang binabantayan ang mga iligal na gawain ni valdez na nakatalaga sa ncrpo regional mobile force battalion kung saan, nakuhanan pa ito ng video na bumabatak ng shabu.

Nang iharap kahapon si Valdez sa media, hindi napigilan ni Albayalde ang kaniyang pagkadismaya rito lalo’t dinudungisan sa pangalan at imahe ng pambansang pulisya.

2007 nang pumasok si Valdez sa PNP subalit nag Absent Without Official Leave (AWOL) ito noong 2014 at muling nakabalik sa serbisyo noong 2017.

With report from Jaymark Dagala

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -