28.3 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Albayalde muling nagbabala sa mga pulis na nakikisawsaw sa pulitika

- Advertisement -

Muling binalaan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang mga pulis na iwasang makisasaw sa pulitika o pumabor sa isang kandidato.

Ayon kay Albayalde, hindi siya magdadalawang-isip na sibakin sa puwesto ang mga pulis na mapatutunayang kumikiling sa isang kandidato.

Iginiit ni Albayalde na pagbibigay ng seguridad ang tungkulin ng mga pulis at hindi dapat nakikihalo sa interes ng ilang pulitiko para sa pansarili nilang kapakanan.

Kaninang umaga, pinangunahan ni Albayalde ang flag raising ceremony sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City Cavite kung saan ginanap din ang pag-turn over ng mga donasyon ng lokal na pamahalaan ng Cavite sa Cavite Provincial Police.

Kabilang dito ang mga mobile patrol cars, matataas na uri ng armas at mga gamit sa PNP Crime Laboratory.

(Ulat ni Jaymark Dagala)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -