Akusasyong galing, gawa sa isang lab sa China ang COVID-19 ispekulasyon lang —WHO

0
27

Ispekulasyon lamang at walang matibay na basehan ang mga akusasyong galing at gawa sa isang laboratoryo sa China ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang binigyang diin ng World Health Organization (WHO) matapos na sabihin ni U.S. Secretary of State Mike Pompeo na mayroong matibay na ebidensiya na galing sa isang Chinese laboratory ang COVID-19.

Ayon kay Dr. Mike Ryan, top emergency expert ng WHO, wala pa kasing natatanggap o nahahanap na anumang matibay na ebidensiya ang WHO na magpapatunay sa mga akusasyon.

Aniya, isang “evidence-based organization” ang WHO kaya’t pawang datos, ebidensiya at siyensiya lamang ang kanilang paniniwalaan.

Dagdag pa ni Ryan, kung talagang mayroong matibay na ebidensiya ang Estados Unidos ay marapat na ipahatid nila ito sa WHO.

Dahil sa ngayon aniya ay maituturing lamang na “natural in origin” ang COVID-19.