Itinanggi ng Department of Budget and Management (DBM) ang akusasyon ng ilang mambabatas na nagtitipid ang Duterte administration.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, walang katotohanan na may “underspending” at sa katunayan ay bahagya pang sumobra ang paggastos.
Batay sa datos ng pamahalaan, lumampas sa P62.6 billion o 2.6 percent ang aktuwal na government disbursements sa unang siyam na buwan.
Indikasyon aniya ito na bumilis ang implementasyon ng mga health, education at poverty-reduction programs maging ng konstruksyon ng mgapublic infrastructure project.