33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Aktor na si Christopher De Leon positibo sa COVID-19

- Advertisement -

Kinumpirma ni aktor Christopher De Leon ang pagiging positibo sa COVID-19.

Sinabi ni De Leon na wala namang siyang naging biyahe nitong mga nakalipas na araw sa anumang bansa o nakasalamuha ang sinumang kumpirmadong nagtataglay ng nasabing virus.

Gayunman, inihayag ni De Leon na dahil sa pagiging aktor ay maraming tao siyang nakakaharap kaya’t umaapela siya sa sinumang nakasalamuha niya sa nakalipas na linggo o dalawang linggo ay sumailalim na sa mahigpit na self-quarantine, obserbaha ang mga sintomas at sundin ang paalala ng doktor asymptomatic man o hindi.

Ang may bahay niya aniyang si Sandy Andolong at anak na si Mica gayundin ang kanilang mga kasambahay ay naka self-quarantine na sa kanilang bahay.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -