Aksyon ng Pilipinas sa 2019-nCoV ARD pinuri ng WHO

0
27

Pinapurihan ng World Health Organization (WHO) ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagharap nito sa 2019 novel coronavirus (2019-nCoV ARD).

Ayon kay WHO country representative in the Philippines Dr. Rabinda Abeyasinghe, kuntento ang WHO sa mga aksyon na ginagawang Pilipinas para masolusyunan at makontrol ang naturang sakit.

Naging proactive aniya ang pamahalaan dahil naging alerto ito at hind nagkait ng impormasyon sa publiko.

Mahigpit aniya ang ginawang pakikipag-ugnayan ng DOH sa WHO para ma update sa fact – based developments and approach mula sa mga medical experts.

Kaya naman dahil dito ay naniniwala ang WHO na kakayanin ng Pilipinas na makontrol at matigil ang outbreak ng naturang coronavirus.