Saturday, May 18, 2024

Airlines nagpaabiso na sa mga kanseladong biyahe simula ngayong araw

- Advertisement -

Nagpaabiso na ang ilang airline company sa mga makakanselang flights simula ngayong araw hanggang sa November 23.

Ito ay dahil sa gagawing maintenance sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Philippine Airlines, kabilang sa mga makakansela nilang biyahe ay ang mga patungong Hong Kong, Singapore at Davao.

Ang Cebu Pacific naman, apektado ang kanilang flights na papuntang Hong Kong, Brunei, Bacolod, Davao, Zamboanga at Davao ngayong araw hanggang November 17.

Magbabalik operasyon ito sa November 18 ngunit babalik muli ang kanselasyon sa November 19 hanggang 22.

Hinimok naman ang mga maaapektuhang pasahero na makipag ugnayan sa kanilang airline company para sa rebooking o refund.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -