Ai-ai Delas Alas umaasa pa ring mabuntis

0
61

Umaasa pa rin ang aktres na si Ai-Ai Delas Alas na mabuntis!

Ang 54-year-old actress ay ‘hoping to get pregnant’ at magka-baby sa Enero ng taong 2020 sa natural o normal na pamamaraan.

Ayon kay Ai-ai, kung hindi na kakayanin sa natural way ay magpapa–IVF o in vitro fertilization na sila ng kanyang asawang si Gerald Sibayan.

Una na itong sinabi ni Ai-ai noong nakaraang taon na umani ng kaliwa’t kanang negative comments mula sa mga bashers gaya ng imposible na anilang mangyari ito.

Hindi naman ito pinansin ng aktres at looking forward pa rin ito sa kanyang mga plano.

Katunayan aniya ay puspusan ang paghahanda niya para rito.

Samantala, suportado naman siya ng kanyang mga anak na sina Sancho, Sean, at si Sofia.