Ai–Ai Delas Alas, kinabahan nang sumakay sa eroplanong minamaneho ng kanyang asawa

0
24

Full support si Ai – Ai Delas Alas sa kanyang asawang si Gerald Sibayan na isa na ngayong piloto.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumakay si Ai- Ai sa eroplano na mismong si Gerald ang nagpapalipad.

Kaya naman kahit kinakabahan dahil sa kanyang fear of heights ay buong tapang pa rin si Ai – Ai na sumakay sa eroplano.

Masaya si Ai-Ai na makita ang kanyang asawang natutupad na ang pangarap na maging isang ganap na piloto.