AFP retirees may dagdag pensyon

0
39

Mararamdaman na sa susunod na taon ang karagdagang pensyon ng mga retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa pagdinig ng panukalang 2020 budget ng Department of National Defense (DND)  sinabi ni Sec. Delfin Lorenzana na 29%  ang itinaas ng pension ng gratuity program nila.

Sinabi nito na P11.93-B ang idinagdag sa kabuuang budget ng 2020 retirees pension at benefits na nasa P69. 7-B para sa susunod na taon.

Ito ay batay sa implementasyon ng nilagdaang batas para sa dagdag na pensyon ng mga unipormadong tauhan ng hukbong sandatahan.

Samantala, nadagdagan din ng 1.3% o 2.3 billion pesos ang pondo ng DND para sa 2020 na nasa P258. 35-B.