Wednesday, May 1, 2024

AFP naka-Red Alert na rin para sa SONA

- Advertisement -

Nakataas na rin ang Red Alert Status ng AFP o Armed Forces of the Philippines sa buong bansa kaalinsabay ng 4th na SONA o State Of The Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, Hulyo 22

Ayon kay AFP PAO o Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, nuong Biyernes pa ng umaga nila itinaas ang alerto sa hanay ng Militar na nangangahulugang naka standby mode ang lahat ng sundalo

Tiniyak din ng AFP na mayruon silang sapat na puwersa upang ipakalat sa mga istratehikong lugar at Places of Convergence lalo na sa mga lugar na pagdarausan ng mga kilos protesta bilang pagsuporta sa pambansang pulisya

Patuloy aniyang naka-antabay ang AFP sa anumang mga banta ng iba’t ibang teroristang grupo at hindi rin nila tatantanan ang mga ito sakaling sabayan naman nila ng karahasan ang nasabing okasyon partikular na sa Metro Manila na siyang luklukan ng kapangyarihan sa bansa

Dahil dito, hindi natitinag ang panawagan ng Militar sa publiko na manatiling mapagmatyag at bantayan ang kanilang komunidad upang mapanatiling mapayapa at ligtas na siya namang susi para sa kaunlaran

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img