Wednesday, May 8, 2024

AFP iginiit na malaki ang kanilang ginagampanan kontra COVID-19

- Advertisement -

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na malaki ang kanilang ginagampanan upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ang ginawang paglilinaw ng AFP ay kasunod ng mga batikos ng publiko na tila ay martial law ang nangyayari sa ipinatutupad na community quarantine sa Metro Manila.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Edgard Aarevalo, nakasaad sa konstitusyon ng bansa na mandato ng AFP na protektahan ang mga Pilipino at estado gaya na lamang ng kanilang gingawang pagbabantay ngayon sa buong Metro Manila upang hindi na kumalat pa ang COVID-19.

Iginiit pa nito na ang mga naka deploy na sundalo ay may mahigpit na koordinasyon sa Department of Health (DOH).

Ilan rin aniya sa mga ito ay pawang mga military doctors, military nurses at aid armed men na may mga health at diagnostic equipments na nakasakay sa mga ambulansya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img